Maraming mga sabungero ang natuwa sa ipinost na video ni Gov. Gerry Espina, Jr. ng Biliran Island...

Maraming mga sabungero ang natuwa sa ipinost na video ni Gov. Gerry Espina, Jr. ng Biliran Island sa social media dahil nagmistulang action movie ang kanilang pinapanood. Makikita kasi na sakay siya ng kanyang motor palabas ng kanyang bahay papunta sa kanyang farm na kung tawagin ay Mt. Panamao Gamefarm. Hango ang pangalang ito sa bulkan na matatagpuan sa kanilang lalawigan. Tapos ang background music pa ay parang ginagamit na tugtog sa mga pelikula nina FPJ, Lito Lapid o Dante Varona.
Makikita sa video ang ganda ng farm at ng mga manok ni Gov. Gerry. Dito niya pinagugulang ang kanyang mga manok. Pero maliban sa farm na ito ay mayroon din siyang farm sa Batangas na nagisislbing breeding at conditioning area.
Namana ni Gov. Gerry ang kanyang hilig sa manok kanyang tatay na si Cong. Gerry Espina Sr. Nag-umpisa lang na fighter siya bilang fighter. Sa umpisa, namimili nga lang siya ng mga panlaban. Pero noong 2009 ay naisipan na rin niyang mag-breed. Dahil dito ay mas gumanda ang kanyang pagsasabong.
Panoorin ang video:
COMMENTS