Ang mga manok-panabong ay mayroong iba’t ibang kulay. Mayroong pula, itim, puti, gold, bulik at kung a...

Ang mga manok-panabong ay mayroong iba’t ibang kulay. Mayroong pula, itim, puti, gold, bulik at kung anu-ano pa. Maganda nga ang ganito para mayroong pagpipilian. Kung ano ang gusto mong kulay eh ‘di doon ka. Hindi naman lahat ng mga sabungero ay mahilig sa pula. Gusto nila ng off-colored para naman maiba. Marami na kasing mga breeder na kilala sa pag-aalaga ng pula.
Pero nakakita na ba kayo ng manok na doble kara? Parang kagaya sa singing contest na nagdu-doble kara, may boses na pang-lalaki at pang-babae. Sa porma naman, sa kabilang side ay babae at sa kabilang side naman ay lalaki ang hitsura. Pero ang tinutukoy natin ay kulay ng manok, sa kabilang side ay itim at sa kabilang side naman ay puti.
Mayroong Peruvian na Black and White ang Peruvian breeder na si Hoa Kien Phan ng Vietnam. Ayon sa kanya, ang manok niyang ito, ang tatay ay kulay itim habang ang nanay naman ay puti. Kung sa ibang manok ‘to, di naman ganito ang lalabas. Nagkataon lang siguro na nahati ang itim at puti sa balahibo ng manok kaya’t nagmukha itong doble kara.
Panoorin ang video:
COMMENTS