Sinasabing magandang mag-alaga ng manok sa bundok dahil malamig o maganda ang klima rito. Dahil dito nagiging makinis ang bala...

Sinasabing magandang mag-alaga ng manok sa bundok dahil malamig o maganda ang klima rito. Dahil dito nagiging makinis ang balahibo pati na rin ang binti at paa ng mga manok. Ibang-iba ang epekto kumpara kapag nag-breed ka sa mainit ng lugar.
Pero paano kaya kapag ang gamefarm ay sobrang lamig dahil may snow? Ito ang ipinakita sa video ng Facebook user na si Sebastian Oliva Perez. Makikita sa video ang mga manok na nakatali sa kanya-kanya teepee habang nagyeyelo ang buong paligid. Pinatutunayan lang nito na posible pa ring makapagmanok sa ganito kalamig na paligid. Naitanong tuloy ng ilang magmamanok na ano kayang klaseng pag-aalaga ang ginagawa ng may-ari nito para maging malakas ang resistensya ng mga manok?
Panoorin ang video:
:
COMMENTS