Kamakailan ay nag-viral sa social media ang video ng isang manok na marunong mag-dunk. Inupload ito ni Lino Roldan ng Taguig...
Kamakailan ay nag-viral sa social media ang video ng isang manok na marunong mag-dunk. Inupload ito ni Lino Roldan ng Taguig City.
Ayon
kay Roldan, pinalilipad niya ang kanyang manok bilang exercise na rin sa manok.
Pero ‘di lang pala mag-dunk ang kayang gawin ng manok ni Roldan dahil may iba
pa itong talento o alam na trick.
Sa
ulat ng Balitanghali, ipinakita sa manok ang pekeng dinamita saka inilayo ang
manok. Ibinaon naman sa lupa ang pekeng dinamita. Nang pakawalan ang manok,
diretso agad ito sa kinaroonan nang ibinaon na kunwaring pampasabog at saka
kinalkal ang buhangin.
Dahil
sa galing magturo ni Roldan sa manok ay may mga pumupunta sa kanya na mga
sabungero para sanayin din ang kanilang manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS