Sa panahon ngayon ng social media ay napakadali nang mameke. Hindi lang fake ne...
Sa
panahon ngayon ng social media ay napakadali nang mameke. Hindi lang fake news ang nauuso kundi ang pamimeke ng account ng may account lalo na ng mga kilalang tao. Siyempre,
wala ring ligtas ang mga kilalang personalidad sa sabong. Ginagaya ang kanilang
account ng mga bogus seller parakumita ng pera sa madaling paraan. Ilan lang sa
mga ginawan na ng pekeng account ay ang RED Gamefarm nina Edwin Aranez at Raffy
campos, Bernie Tacoy, Nene Abello at kung sinu-sino pa.
Maging
ang tari princess na si Robie Yu Panis ay ginamit na rin ang pangalan ng isang
bogus seller. Ginaya kasi ang account nito at nagpa-action pa ng manok na
diumano ay ipantutulong sa may-sakit na nagngangalang Allen Llanera. Bilang
suporta sa pa-action kuno ay nag-post pa ito ng mga larawan ng isang batang
may-sakit na nasa hospital.
Nakarating
agad sa kaalaman ni Ms. Robie ang naturang pa-action ng pekeng Robie kung kaya’t
agad niyang binalaan ang kanyang mga follower sa Facebook na mag-ingat sa
nanggagaya sa kanyang account para ‘di mabiktima ng panloloko. Ang pekeng
account ay Robie YU Panis samantalang ang original ay Robie Yu Panis. Idinagdag
pa niya na bumisita sa kanilang website o ‘di kaya’y sa totoo niyang account o
sa kanyang fan page o sa fan page ng Firebird Gamefarm kung gustong maka-avail
ng manok sa kanila.
Matapos
na magbigay ng babala ay biglang nawala ang bogus account na nanggaya kay Ms.
Robie.


COMMENTS