Bakit kaya tila nauuso ang pagsasayaw ng ilang mga sabungero sa sabungan? Noon kasi ay bihira lang ang nabi-videohan na g...
Bakit kaya tila nauuso ang pagsasayaw ng ilang mga sabungero
sa sabungan? Noon kasi ay bihira lang ang nabi-videohan na gumagawa ng ganito.
Eh, ngayon ay mukhang panay-panay na. Iba-iba lang ang paraan nang pagsasayaw
nila. Mayroong parang nagtsa-chacha o ‘di kaya’y parang free style lang o
mala-Budots kung tawagin. Ito ba ay masasabing phenomenal o sadyang trip lang ng
mga kapatid nating dancing sabungeros?
Isa na
sa kasagutan d’yan, ito ay bugso lamang ng kanilang damdamin dahil sa sobrang
tuwa kapag nakikita nilang medyo nananalo na ang kanilang manok. Bukod d’yan,
isa rin itong paraan nang pangangantyaw sa kalaban. Alam naman natin na uso ang
kantyawan sa loob ng sabungan. Malas lang kung ang nangangantyaw ay natalo. Huwag
masyadong magpakasaya hangga’t ‘di tapos ang sentensya ‘ika nga. Mayroon kasing
mga pangyayari na kung sino pa ang kinakantyawan ay ‘yun pa ang nanalo.
Maaari
rin namang sabihin na ang pagsayaw ay self-expression o ‘di-kaya’y isang art.
Sa pamamagitan ng sayaw ay naipapakita ng tao ang kanyang saloobin. ‘Yun nga,
naipapakita ng ilang mga sabungero ang kanilang saya sa pamamagitan nang
pagsayaw. Isa pa, ipinapakita rin ng sayaw ang pagkakaroon ng selebrasyon. ‘Di
ba’t kapag nagdiriwang ang ilang tao ay napapasayaw sila dahil sa tagumpay na
kanilang natamo?
Sa
paningin ng mga ‘di nagsasabong, ang pagsayaw ng mga sabungero sa ibabaw ng
ruweda ay isa lamang kabaliwan o pinagmumukha nilang tanga ang kanilang mga
sarili. Kung titingnan, oo kasi ‘di naman professional dancer ang mga ito. Pareho
pa ngang kaliwa ang mga paa. Pero ang lalakas ng loob na sumayaw. Tingin din
nila sa mga ito ay nagpapapansin lang o nagpapasikat. Sa panahon nga naman
ngayon ng social media ay napakadali nang sumikat at ang pagsayaw sa sabungan
ang naiisip ng ilang sabungero para mapansin.
Pero
bakit ‘di tingnan ng mga kritiko na kaya sila sumasayaw, hindi lang dahil sa
masaya sila kundi dahil proud sila sa kanilang manok? Itsini-cheer nila ang
kanilang manok sa pamamagitan ng pagsayaw. Masama ba ‘yun? Kung
nakakasakit o nakakainsulto sa kalaban
ang pagsayaw, dapat nang ipagbawal ang pagsayaw sa ruweda kapag lumalaban. Pero
aminin man o hindi, maraming napapasaya ang mga dancing sabungeros. Kaya’t
imbes na papigil ay lalo silang napapaindak.
Saka ‘di
naman talaga nawawala ang pagsayaw sa buhay ng tao, kahit saan mang aspekto ay
mayroon nito. Nagkaroon ng iba’t ibang
sayaw sa bawat pagkakataon, okasyon o kung saan pa man. Sa sabungan pa kaya
mawawala ang pagsayaw? Puwede na kaya nating tawaging ‘sabong dance’ ang
isinasayaw ng ilan nating mga kasabong? Bagama’t magkakaiba sila ng galaw ay
iisa lang naman ang ipinapakita at ito ay patungkol sa kasiyahan o pagdiriwang!
Isa sa mga sumasayaw na sabungero:
Isa sa mga sumasayaw na sabungero:

COMMENTS