Isa ang dating Kongresista na si Lawrence Wacnang sa maituturing sa pinakamamagaling na gamefowl...
Isa ang dating Kongresista na si Lawrence Wacnang sa
maituturing sa pinakamamagaling na gamefowl breeder sa bansa. Sa haba ng panahon na nagmamanok siya ay marami
na rin siyang kampeonato na nakuha. Naging World Slasher Champion siya noong
taong 2012.
Nakilala
ang palahi ni Wacnang na tinatawag na
Ipallari Line. Galing ito sa bloodline na Butcher na nakuha niya sa namayapa
nang si Don Ramon Lacson ng Bacolod. Inahalo niya ito sa Claret. Ang kanyang
Ipallari line ay magaling pagdating sa cutting.
Taong
1989 nang maitayo ni Wacnang ang Crowsland Silverwing Gamefarm na matatagpuan
sa Kalinga, Apayao. Matagal din siyang naging gobernador sa nasabing bayan at
naging kongresista pa nga. Nang magpahinga sa pulitika ay itinuon na niya lang
sa pagbi-breed ang kanyang panahon.

COMMENTS