Kapag nasa ibang bansa ka na bawal ang sabong ay siguradong hahanap-hanapin mo ito. Pero ...
Kapag nasa ibang bansa ka na bawal ang sabong ay
siguradong hahanap-hanapin mo ito. Pero marami na tayong mga kuwento na narinig
na kahit bawal ay may mga nagsasabong pa rin.Siyempre, ginagawa nila ito nang
palihim. ‘
Si
Mario Aguason Paris na tinaguriang Chicken Engineer ng East Timor ay
nakapagtrabaho muna sa Brunei bago siya mapadpad sa East Timor. Taong 1989 nang
una siyang mapunta sa Brunei. Noong 1993 ay naranasan niyang magdala ng mga
oversized na manok kahit pa alam niyang bawal ang sabong doon. Sa pananatili
niya sa bansang ‘yun ay nasa 100 heads din ang kanyang naipasok. Hindi naman
bawal ang magdala ng manok doon kahit na ipinagbabawal ang sabong.
Sinabi
ni Mario para makapagsabong ay nagkikita-kita sila sa gubat, sa compound o ‘di-kaya’y
sa remote areas. Ilan sa mga nationality na nagsasabong doon, siyempre kabilang
na r’yan ang mga Pilipino, Malaysian at mayroon ding mismong taga-Brunei.
Ibang
klase rin naman ang labanan doon dahil ililista mo ang pusta mo sa notice
board. Hindi na kailangan pang ipakita ang iyong manok. Hindi kagaya sa
Pilipinas na mayroon pang ulutan o ‘di kaya’t dinadaan sapagtimbang. Kapag nakapaglista
na ng pusta ang mga kasali, ang gagawin
mo lang ay sasabihin mo kung magkano ang pusta na gusto mong labanan.
Halimbawa, gusto mong tapatan ang $500. Kapag ayos na ay tatarian mo na lang
ang iyong manok at magkikita na lang kayo ng katapat mo kapag maglalaban na.
Ang
tari raw na ginagamit ng mga dayuhan ay Malaysian knife, kapag Pinoy naman ay
‘yung ginagamit dito sa atin na slasher knife.
Ayon
kay Mario, hindi mo alam kung maliit o malaki ang manok ng makakalaban mo. Kapag
nakita mo ang manok nito at sa tingin mo ay agabriyado ka ay ‘di ka na puwedeng
umatras pa. Kapag umatras ka ay automatic na talo ka na at kailangan mong
bayaran ang kapustahan mo. Kung gusto mong makalamang dapat ay quality ang
manok mo, marunong pumalo tapos malaki pa.
Napapangiti
na lamang si Mario kapag naalala niya ang karanasan niya sa pagsasabong sa
Brunei. Tunay nga namang kapag sabungero ka gaya ni Mario kahit saan ka mapunta
ay dala-dala mo ito. Kahit na nasa East Timor na ang patuloy pa rin ang kanyang
pagmamanok, bukod sa may manukan siya sa Pinas ay mayroon din siyang farm sa
East Timor. Ang maganda pa ay mayroon siyang sabungan dito.
Panoorin ang video:
COMMENTS