Larawan mula sa FB account ni Jojo Nagluluksa ang industriya ng sabong dahil pumanaw na ang presidente ng Bataan Gamef...
![]() |
| Larawan mula sa FB account ni Jojo |
Nagluluksa
ang industriya ng sabong dahil pumanaw na ang presidente ng Bataan Gamefowl Breeders Association (BGBA) at may-ari ng
Skyline Gamefarm na si Jojo Genuino de Leon ngayong araw (Dec. 9).
Bilang lider,
napalaki nang naging ambag ni Jojo para mapalakas ang kanilang local
association. Bago siya maging president ng BGBA ay naging OIC muna siya rito
noong 2014. Nang una niyang hawakan ang asosasyon ay nasa 24 lang ang miembro
nito. Pero dahil sa kanyang pagsisikap ay nagawa niya itong paramihin.
Sa
aming naging panayam sa kanya dati, sinabi ni Jojo na ginawa niyang transparent
ang kanyang pamumuno sa BGBA lalo na usaping financial. Lahat ng miyembro ay
malayang makita kung magkano na ang kanilang pondo at kung saan ito napupunta.
Masaya siya dahil suportado ng kanilang board of directors ang kanyang mga programa
para sa kanilang asosasyon.
Sa
pamumuno ni Jojo ay nagkaroon ng access ang BGBA sa national derbies kung saan
nasubukan ang galing ng palahi ng kanilang mga miembro. Nagsagawa rin siya ng seminar na tinatawag na Bitawan
at Kantiyawan , nag-imbita sila ng mga eksperto sa pagmamanok na aktuwal na
nagturo sa kanila ng kaalaman hinggil sa pagsasabong.
Noong
2016 nagmistulang mini expo ang ginawang general assembly ng BGBA kung saan ay
pinagsama-sama ni Jojo ang halos lahat ng kumpanya na may kinalaman sa
manok-panabong pati na rin ang ilang TV shows gaya ng BAKBAKAN at Tukaan. Mayroon
pang tari seminar na isinagawa ng IGAN Tari Lesson. May nag-showcase pa ng mga manok. Ang masabing general assembly
ay isinagawa sa Abocay Cockpit, Bataan.



COMMENTS