Talaga namang usung-uso pa rin at pinag-uusapan ang manok na Peruvian. Bagama’t ‘di naman maganda an...
Talaga namang usung-uso pa rin at pinag-uusapan ang
manok na Peruvian. Bagama’t ‘di naman maganda ang hitsura ng manok na ito. Alam
mo naman ang mga Pinoy, mahilig sa mga guwapong manok. Kaya’t nagulat na lang
ang marami na bigla na lang pumutok ang ganitong klase ng manok. Aba’y bakit
hindi, nakikita mo namang malalakas pumalo ang Peruvian. ‘Yun nga lang ay
malaki ito at may kabigatan.
Wala namang regular na derby ng Peruvian sa
Pilipinas? Pero patuloy pa rin itong bini-breed ng marami sa atin. Kung hindi
mailaban dahil sa malaki, puwede naman itong paliitin gaya ng ginagawa ng ibang
Peruvian breeder. Kabilang na rito si Marion Aguason Paris na nakabase sa East
Timor at mayroong farm sa may Dagupan.
Ibabahagi sa atin ni Mario kung ano ang kanyang
ginagawa para mapaliit ang Peruvian. Tinatawag itong Graded Peruvian dahil nahaluan na ng dugo ng ibang bloodline gaya ng Western fowl.
Panoorin ang video:

COMMENTS