Mayroong iba’t ibang klase ng teepee na makikita sa manukan ng ating mga kasabong. May gawa sa semento, sa goma, sa palapa ng niyog at ...
Mayroong iba’t ibang
klase ng teepee na makikita sa manukan ng ating mga kasabong. May gawa sa
semento, sa goma, sa palapa ng niyog at mayroon din namang simpleng hapunan lang. Lahat naman ‘yan ay pawang
magaganda. Ang importante ay mayroong masisilungan at madadapuan ang manok.
Siyempre, dapat komportable sila.
Pero mayroon din tayong
mga kasabong na iniimprove pa nila ang kanilang mga teepee. Halimbawa na lang, mayroong ipinatong ang
teepee sa hollow block para raw mas maging matibay ang teepee. Para kahit
malakas ang hangin ay ‘di basta magagalaw ang teepee.
Sa kabilang banda
naman, sa farm ng tinaguriang Chicken Engineer na si Mario Aguason Paris ng
Calasiao, Dagupan ay nilagyan pa niya ng maliit na bubong ang hapunan ng kanyang mga manok. Pininturahan pa niya ito para nga naman maging magandang tingnan. ‘Yan
ang aalamin ng modelong breeder na si Tanya Nacion kung bakit naisipang gawin
ito ni Mario.
Panoorin ang video:
COMMENTS