Talaga namang ‘di paaawat ang World Pitmasters Cup sa pag-arangkada. Kamakailan ay inanunsiyo ng isa sa mga cassador ng Wor...
Talaga namang ‘di paaawat ang World Pitmasters Cup sa pag-arangkada. Kamakailan ay inanunsiyo ng isa sa mga cassador ng World Pitmasters Cup na magkakaroon ng 8-cock derby na isasabay sa 6-cock derby ng WPC na gaganapin sa darating na Enero 14-20.
Sa 24-cock derby ay
dalawang grupo lang ang maglalaban, ang American group na pinangungunahan nina
Joey Delos Santos at ni Bruce Brown. Makakalaban nila ang grupo ng mga bumubuo
ng World Pitmasters Cup na sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny
Lagon.
Ang pasabong na ito ay napaka-espesyal
dahil 5 million pesos ang entry fee na babayaran ng dalawang grupo. Habang 550
thousand pesos naman ang magiging bet money sa kada isang manok. Ito ang kauna-unahang
maituturing na derby sa bansa na may
pinakamalaking entry fee. Kaya’t inaasahang magiging kapana-panabik ang
pasabong na ito dahil ayon na rin sa cassador na nag-anunsiyo ay wala itong
ayawan.
![]() |
| Photo Credit: www.sabongspots.com |
Marami namang mga
netizens ang namangha sa naturang anunsiyo dahil entry fee pa lang ay
nakalulula na. Paano na raw kaya ang magiging pustahan dito lalo na’t kilala si
Atong Ang na milyun-milyon kung pumusta? May nagsabi rin na isa itong magandang
pagkakataon para ipakita ang galing ng manok sa Pilipinas dahil kayang-kayang
makipagsabayan sa mga Amerikanong
breeder. Dito raw malalaman kung sino ba talaga ang mas magaling pagdating sa
sabong, US ba o Philippines?
Panoorin ang video:


COMMENTS