Si Dj Alvaro ay sumikat na singer noong dekada ’90. Sino ba naman ang ‘makalilimot sa kanyang kanta na Ang Tipo kong Lalaki na nagsasab...
Si Dj Alvaro ay sumikat
na singer noong dekada ’90. Sino ba naman ang ‘makalilimot sa kanyang kanta
na Ang Tipo kong Lalaki na nagsasabing ang gusto niya ay magino pero medyo
bastos. Nagpapakita lang ito ng pagiging modernong babae. Karaniwan na kasi sa
persepyon ng iba na lalaki lang ang may karapatang magpahayag ng damdamin sa
babae. Kapag babae ang manliligaw ay ‘di na maganda. Ganito rin ang tema ng iba
pang mga kanta ni Dj Alvaro. Makabagong Eba talaga, ‘ika nga.
Pero mayroon ding
nagawang kanta si Dj Alvaro tungkol sa mga sabungero. Sinasabi sa kanta na ang
mga sabungero ay sadyang maginoo. Wala namang sinabing medyo bastos, hehe. Talaga
namang maganda ang kanta niyang ito dahil naglalarawan sa ilang karakter ng
isang sabungero.
![]() |
| Si Dj Alvaro kasama si Daiana Meneses |
Naging theme song pa nga ito ng Chicken Talk ni Ka Lando
Luzong. Mabuti pa ay panoorin natin ang kanyang performance nang nasabing
kanta. Kinanta niya ito minsan sa FIESTAG.
Panoorin ang video:


COMMENTS