World Gamefowl Expo, hindi ito ang kauna-unahang expo ng manok sa bansa. Mas nauna pa rito ang FIESTAG ng International Federation of G...
World Gamefowl Expo,
hindi ito ang kauna-unahang expo ng manok sa bansa. Mas nauna pa rito ang
FIESTAG ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA),
dating NFGB. Pero masasabing ang WGE naman ang pinakamalaki at pinakamalakas na
gamefowl expo sa bansa. Kung titingnan, sila ang nagpauso o nagbigay ng
inspirasyon sa ilang mga organizer na magsagawa ng kaniya-kaniyang expo sa
kanilang mga probinsya. 'Di ba't marami nang lugar sa Pilipinas ang mayroon ng
expo? Dati-rati kasi ay gamefowl caravan lang ang mayroon kapag nagpapa-seminar
ang isang kumpanya. Pero ngayon, kahit sila ay may kanya-kanya ng expo, bitbit
ang kanilang mga endorser.
Ang WGE ay
pinagtulungang buuin ng isa sa mga haligi ng sabong sa bansa na si Emmanuel
Berbano ng Pit Games Media Inc. at ni Racquel Romero ng World Exco Inc. Nagsimula ito noong 2011 sa World Trade
Center at hanggang ngayon ay doon pa rin ang kanilang venue. Isinasagawa ito
tatlong beses tuwing buwan ng Enero kada-taon.
Saksi ang inyong
lingkod kung paano lumago ang WGE. Unti-unti nilang inukopa ang World Trade
hanggang sa makuha nila ang kabuuang espasyo nito. Noong una pa lang ay naging
mainit na ang pagtanggap ng bayang sabungero sa expo na ito. Lalo na't ang
dala-dalang pangalan nito ay pang-buong mundo. Hindi lang kasi mga Pinoy ang
tumatagkilik dito kundi pati na rin ang mga dayuhan. Hindi kasi sila nakakakita
ng ganitong kalaking expo sa bansa nila. Dahil Enero ito isinasagawa, ang ilang
mga dayuhan na sumasali sa World Trade Center ay pumupunta rito.
![]() |
| Ang napakahabang pila sa labas ng World Trade Center |
Unang araw pa lang ay
talagang dinadagsa na ng mga tao ang WGE. Kumbaga sa pelikula ay box office hit
ito dahil sa haba ng pila. Ngayon, hindi lang manok ang mayroon dito kundi
mayroon na ring showcase ng kalapati at ng mga exotic animals. Makikita mo rito
kung hindi pami-pamilya ang pumupunta ay mga magkakaibigan o magkakatrabaho.
Lahat ng klase ng tao nandito na. Pero siyempre, manok ang ipinunta natin dito.
Lahat ng klase ng bloodline ay narito. Ihanda mo na lang ang iyong budget dahil
siguradong mayroon at mayroon kang makukursunadahan.
Bakit nga ba pumatok
nang husto ang WGE? Una, nagkatipun-tipon dito ang malalaking gamefowl breeders
gaya nina Biboy Enriquez, Doyet Lapido, Gen Gen Arayata, Dante Hinlo, Honey Yu, Jap Gagalac at marami pang iba.
Pagkakataon ito para sa mga dadalo na makakuha ng iniingatan nilang linyada
nang hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang lugar. Marami ritong mga
tinitingalang breeder na kasali. At kahit 'di ganun kasikat ay may pagkakataon
na magkaroon ng booth. Ayon na rin sa kanilang kuwento ay lumakas ang kanilang
dating sa mga buyer nang makasali sila sa expo.
Pagkakataon din ang WGE
para magsama-sama ang iba't ibang kumpanya. Aba'y halos lahat nang mga kumpanya
na may kinalaman sa sabong ay nandito na.
Ang parukyano na lang ang bahalang mamili kung ano ang produkto o
serbisyo ang kanilang tatangkilikin. Magandang makita ang mga kumpanya na
nagkakaisa kahit sa loob ng maiksing panahon. Alam naman nating sa labas ay
dikdikan ang kanilang labanan. Lahat ay naghahangad na makakakuha ng share sa
merkado ng sabong. Pero sa WGE, kinakalimutan ang kumpetisyon at pagkakaiba
dahil ang mga sabungero naman ang dahilan kung bakit sila nagninegosyo. Kaya't dapat
lang na mapasaya nila ang mga ito.
![]() |
Siyempre pa, talaga
namang nakalilibang dumalo sa WGE. Hindi lang dahil nandoon ang ating
iniidolong breeders. Sandamakmak din kasi ang pa-raffle rito. Kung susuwertehin
ka ay makakapag-uwi ka ng premyong manok. Pagkakataon din ito para madadagdagan
pa ang iyong kaalaman sa pagmamanok dahil kabi-kabila ang isinasagawang
seminar. Siyempre pa, hindi mawawala ang mga naggagandahang modelo ng iba't
ibang kumpanya na lalong nagpapasigla sa matitikas nating mga sabungero. Mga
Sir, picture-picture langa, ha. Huwag kang saan-saan nakararating ang kamay at
baka masobrahan. Isipin pa ng mga modelo na 'di naman pala maginoo ang mga
sabungero, hehe.
O, paano 'yan mga
kasabong, kitakits uli tayo sa mga susunod pang World Gamefowl Expo!




COMMENTS