Trending ngayon sa Facebook ang isang manok na ipinagtatanggol ang kanyang kawan laban sa cobra. Ang nasabing video ay nakapa...
Ang nasabing video ay
nakapaskil sa Fb page ng National Geographic at habang isinusulat ang pitak na
ito ay nakakuha na ito nang mahigit 2 million views.
Makikita sa video na
pinipigilan ng tandang ang maliit na cobra na makalapit ito sa mga kasamahang
manok. Ang cobra ay kilala sa kanilang pagiging makamandag at kapag natuklaw
ang sinuman, mapa-tao o hayop ay siguradong may paglalagyan. Pero buong tapang
itong nilabanan ng tandang. Karaniwan kasi na ang mga manok ay ginagawang pagkain o pinapatay ng mga ahas.
Bagama’t maraming
netizens sa ginawa ng cobra ay mayroon din namang nagsasabi na marahil ay
inaakala lang ng tandang na bulate ang ahas at gusto niya itong solohin at
hindi para magligtas ng kapwa manok partikular na ng inahin.Saka isa pa, hindi
naman daw ito King Cobra at napakaliit pa nito.
Panoorin ang video:

COMMENTS