Pinag-iingat ang mga sabungero sa pagbili ng manok online dahil isa na namang kasabong ang nabiktima ng manggantso gamit ang fake accou...
Pinag-iingat ang mga
sabungero sa pagbili ng manok online dahil isa na namang kasabong ang nabiktima
ng manggantso gamit ang fake account ng sikat na breeder na si Rafael 'Paeng' Araneta
na nakilala sa bloodline na Lemon ’84.
Ayon sa Facebook user
na si Odnalor Ocinac ay umorder siya ng trio sa halagang aabot ng 20 thousand pesos mula sa inakala niyang totoong Fb account ni Rafael Araneta. Pero
nang makabayad siya ay ‘di na siya makapag-mesagge pa dahil na-blocked na siya.
Sa salaysay ng biktima, 35 thousand ang presyo ng trio nang kanyang kausap. Pero binigyan siya ng discount kaya 25 thousand pesos na lang. Pinag-down siya nito ng 10 thousand pesos para ma-reserve sa kanya ang trio. Pagkatapos ay hiningan na lang siya ng karagdagang 10 thousand pesos, sa halip na 15 thousand pesos. Pagkabayad daw niya ay saka nito ipapadala ang inorder niyang trio.
Ipinakita niya ni
Odnalor ang screen shot ng ilan sa kanilang naging usapan pati na rin ang dalawang resibo ng kanilang transaksiyon para patunayan na nagpadala nga
siya ng pera sa nagpapanggap na si Rafael Araneta.
‘Di lang ito ang unang
beses na may nabikta nang ganitong klase ng modus. Katunayan, mayroon ding mga
gumawa ng fake account kina Bernie Tacoy, Nene Abello at iba pa. Kaya’t bago pa
maloko ng mga kagaya nito ay suriing mabuti ang kausap baka mapunta lang sa
wala ang pinaghirapang pera sa kagustuhang makakuha ng manok mula sa mga
kilala at iniidolong breeder.





COMMENTS