Matagumpay na naidaos ang katatapos lang na 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders Edition 9-Stag International Derby kung saan ay i...
Matagumpay na naidaos
ang katatapos lang na 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders Edition 9-Stag
International Derby kung saan ay itinanghal na solo champion ang GenJenny entry
na pagmamay-ari ni Gene Perez, gamit ang mga stags ni Paulo Malvar ng Sunhaven
Gamefarm. Nakakuha ang nasabing entry ng
9 wins.
Bago ang kampeonato ay ‘di
naging madali ang daan papunta rito. Lahat kasi ng kasali rito ay mga bigating
breeder at may magagaling na manok kaya’t umaatikabong laban ang nasaksihan ng bayang
sabungero. Umabot ng 43 entries ang naglaban-laban sa grand finals.
Ang ilang ‘di nakapunta
sa mismong event ay nakuntento na lamang sa panonood sa videos na inupload sa
Sabong Sports FB page. Dahil dito ay lalong naging matunog ang Pitmasters Cup
dahil na rin sa marami ang nagsi-share ng kanilang videos.
Hindi lamang laban ng
magagaling na manok ang natunghayan ng publiko kundi pati na rin ang umuulan na
malalaking parada ng mga sabungero na kasali rito. Lumikha ng ingay ang 26
million na pusta ni Atong Ang sa isa niyang laban kung saan ay nanalo siya.
Ang Pitmasters Cup ay
isinagawa sa Newport Performing Arts Theater, Resort World Manila, Pasay City
mula Sept. 15-24. Inorganisa ito nina Charlie “Atong Ang, Engr. Sonny Lagon,
Gerry Ramos at Gov. Eddie “Bong” Plaza sa tulong nina Eric Dela Rosa at Ka
Lando Luzong.
Ang Pitmasters Cup ay
inisponsoran ng Resort World Manila at ng Thunderbird.

COMMENTS