Ibang klase talaga kung pumarada ang mga bigtime dahil hindi lang libo ang pinag-uusapan kundi umaa...

Ibang klase talaga kung pumarada ang mga bigtime dahil hindi lang libo ang pinag-uusapan kundi umaabot ito ng kung ilang milyong piso. Samantalang ang iba ay hanggang minimum lang sila. Pero hindi ibig sabihin na 'yun lang ang kaya nila. Kung tutuusin ay mapepera rin naman sila. Nililimitahan lang talaga nila ang kanilang mga sarili.
Pero 'yung iba kung magparada talaga ay malakihan. Nagugulat na lang ang marami sa halaga ng salapi na kanilang ipinaparada. Ang kanilang taya ay katumbas na ng isang kotse, bahay at lupa at iba pa. Sa karaniwang mamamayan ay mahirap itong kitain, pero para sa kanila ay ordinaryo na lang ito kapag sila ay nagsasabong.
Karaniwan na ang malalaking parada sa mga big event gaya nang kuhang video sa Pitmasters Cup na si Esoj Molina Colada na umabot sa 8.1 million ang parada sa laban ni Gerry Ramos na may entry name na Superstriker.
Matatandaang dito rin sa Pitmasters ay umabot ng 26 million pesos ang pusta ni Atong Ang na ikinalula ng mga tao.
Panoorin ang video:
COMMENTS