May mga sabungero na kapag araw ng laban ay ini-empty nila ang manok dahil naniniwala sila na kapag gutom ito ay mas nagiging agres...
May mga sabungero na kapag araw ng laban ay ini-empty nila ang manok dahil naniniwala sila na kapag gutom ito ay mas nagiging agresibo ang manok. Pero mayroon din namang mga ‘di naniniwala sa ganitong sistema. Para lang daw kasing tao ang manok na kapag ‘di mo pinakain nang tama ay manghihina ‘yan. Nakadepende raw sa bloodline ng manok kung dapat bang pakain nang tama o dapat i-empty. May nakapagkuwento na isang breeder na inempty ng kanyang handler ang kanyang manok sa araw ng laban, ang resulta natalo raw ito. Kaya’t buhat noon ay tinutukan na niya ang pagpapakain ng manok sa araw ng laban.
Wala namang dapat sundin na formula sa pagpapakain sa araw ng laban. Siyempre, kung ano ang umuubra sa iyo ay ipagpatuloy lang ito. Kung napansin na parang may mali ay maaari namang mag-adjust sa volume ng pagkain na ibinibigay sa manok.
Ibabahagi n gating kasabong na si Rj Palconit ng Maghahalap Gamefarm na nakabase sa Agoncillo, Batangas ang kanilang sistema sa pagpapakain ng manok sa araw ng laban. Halina’t pakinggan natin siya.

COMMENTS