Napakahalaga nang ginagampanang trabaho ng mga handler dahil sila ang naghahanda ng manok kapag ito na ay ilalaban. Karani...
Napakahalaga nang ginagampanang trabaho ng mga handler dahil sila ang naghahanda ng manok kapag ito na ay ilalaban. Karaniwan nga ay ipinapaubaya na ng mga amo sa kanila ang pagpili sa gagamiting manok. Kabisado na kasi nila ang characteristic ng mga manok na nasa farm. Siyempre, araw-araw yata nila nakikita ang mga ito. Kumbaga, matalas na ang kanilang pakiramdam. Isang hawak lang nila sa manok, alam na nila kung maayos o hindi ang isang manok.Kung puwede na ba itong ilaban o hindi pa.
Ang pagiging handler din ay isang magandang trabaho para sa mahihilig sa manok. Dahil bukod sa suweldo ay mayroon ding matatanggap na porsiyento kada panalo. Depende na lang sa amo o ‘di-kaya’y usapan. Maaaring sa iba ay isa lang itong simpleng hanapbuhay, pero para sa iba ay kina-career talaga nila ito. Mayroon din namang ‘di nakukuntento sa pagiging handler, nangangarap din sila na sana dumating ang panahon na sila naman ang maging amo.
Halina’t kilalanin natin ang dating handler na si Alvin Palanog ng Cainta, Rizal. Ibabahagi niya ang kanyang karanasan noong siya ay maging hadler. Siguradong may aral tayong mapupulot sa kanya.
Panoorin ang video:

COMMENTS