Mapapansin na ang ilang breeder ay may sariling katawagan sa kanilang manok. Ang iba ay ibinase m...

Mapapansin na ang ilang breeder ay may sariling katawagan sa kanilang manok. Ang iba ay ibinase mismo sa kanilang pangalan o kung saan man nila gusto. Sabi kasi nila sarili na nila itong timpla o sariling gawa na para bang unique para sa kanila. Wala namang problema kung anuman ang itawag sa manok na nai-breed nila total sa kanila naman ‘yun. Hindi naman pangalan ng manok ang tinitingnan dito kundi ang performance.
Kapag nagbi-breed tayo, siyempre may hinahanap tayo na mga katangian ng manok. ‘Yung iba ang gusto ay angat. Meron naman ang gusto ay groundfighter. Minsan ang magagandang katangian ng manok ay gusting pagsamahin sa isang manok. Posible naman ito nasa tamang pagtitimpla lang ang sikreto.
Tara at pakinggan natin si Audie Avenido kung paano nga ba gumawa ng sariling bloodline…
COMMENTS