Screen shot from Nene Abello's Fb video post Sa panahon ngayon ay talagang uso na ang pamimeke. Hindi lang fake news ang nagk...
![]() |
| Screen shot from Nene Abello's Fb video post |
Marami nang mga breeder ang nabiktima ng pamimeke. Ilan lang sa ginawan na ng fake account ay pamosong breeder na si Bernie Tacoy ng Ormoc Gold Gamefarm. Balitang marami nang naloko ang nasa likod ng fake account ni Bernie. Bukod kay Bernie ay marami pang mga sikat na breeder ang ginawan na ng fake accounts ng mga bogus seller sa Facebook. Maging ang kilala ring breeder na si Nene Abello ay may gumawa rin ng fake account. Marami na diumanong nabiktima na buyer ng manok ang may-ari ng fake account ni Nene.
Sa maiksing video na ipinaskil ni Nene sa kanyang Fb account, humihingi siya ng paumanhin sa mga nabiktima ng fake account na gumagamit ng kanyang pangalan. Pagkatapos nito ay sinabi niya ang kanyang totoong accounts. Ang kanyang personal account ay Rafael- https://web.facebook.com/neneabellogamefarm habang ang kanya namang Fan Page Account ay Nene Abello Gamefarm- https://web.facebook.com/officialneneabellogamefarm.
Panoorin ang video:

COMMENTS