Ang pagtatari ay ‘di basta-basta dahil ito ang nagsisilbing armas ng ating mga manok-panabong. Kapag na...

Ang pagtatari ay ‘di basta-basta dahil ito ang nagsisilbing armas ng ating mga manok-panabong. Kapag nagkamali ng kabit ng tari, tiyak na malalayo ang iyong tsansa na manalo sa laban. Hindi porke’t nakahawak ka ng tari ay basta mo na lang ito ikakabit sa paa ng manok. May mga bagay din tayo na dapat na isaalang-alang. Hindi lamang ang laro ng manok ang tinitingnan natin dito kundi kung ano rin ang porma ng kanilang paa. Kung ito ba ay tihaya, sakang, pike at iba pa. May mga tari na aakma sa mga nasabing uri ng paa ng manok.
Siyempre, iba’t iba rin ang disenyo ng tari, may slasher, may semi-slasher at kung anu-ano pa. Iba-iba rin ang epekto ng tari kapag tumatama sa manok kaya’t importante na malaman natin ang mga ito. Ipapaliwanag sa atin ni Leandro Abaga o mas kilala bilang si Bong Tari na isang tari maker na nakabase sa Cavite ang iba't ibang klase ng tari na ginagamit sa atin.
Panoorin ang video:
COMMENTS