Kapag ikaw ay isang binata pa at isang sabungero at mayroon kang nililigawan, sigurado mayroong mga tututol lalo na't walang ala...
Kapag ikaw ay isang binata pa at isang sabungero at mayroon kang nililigawan, sigurado mayroong mga tututol lalo na't walang alam sa sabong ang mga nakapaligid sa nakukursunadahan. Malamang sinusulsulan nila ang babae na huwag kang sagutin dahil ikaw ay isang sabungero. Sa pagkakaalam kasi nila, kapag sabungero ay sugarol ito. Mas mamahalin pa ang manok kaysa pamilya. Magdurusa lang daw sa piling mo ang babae kapag nagkatululuyan kayo.
Wala tayong magagawa kung ganun man sila mag-isip. 'Di rin naman kasi maikakaila na mayroon ding mga sabungero na iresponsable. Inuuna ang pagsusugal kaysa budget ng pamilya. Ang resulta, nagkabaun-baon na sa utang. Totoo rin na may mga sabungero na mas inuuna ang manok kaysa asawa kaya't nagkahiwalay sila.
Pero kung isa kang maginoong sabungero, bagama't mahal mo ang manok siyempre lagi mong uunahin ang iyong minamahal. Babalansehin mo nang tama ang iyong oras nang sa gayun ay 'di nito pagselosan ang mga manok mo. Magiging wais ka rin sa pagba-budget at titiyakin na 'di lahat ng pera mo ay sa manok lang mapupunta.
Total uso naman ngayon ang mga spoken word, 'di rin tayo pahuhuli. Narito ang tula ng pag-ibig na nilikha para sa mga sabungero. Sana ay ganito ka rin magmahal, kasabong.
Pakinggan natin:

COMMENTS