May kani-kaniyang istilo ang mga sabungero kapag naghahanda ng manok. May nagpapasampi, nag...
May kani-kaniyang istilo ang mga sabungero kapag
naghahanda ng manok. May nagpapasampi, nagpapakaskas at mayroon din namang
gumagawa ng running exercise. Ang iba nga ay nakakulong pa ang manok sa
lalagyan na animo’y parang gulong na kahoy. Pero mayroon din namang parang thread mill.
Sino’ng may sabing sa tao lang ito ginagamit, aba’y sa manok din.
Kasakuluyang kumakalat ngayon ang video ng manok na
nagra-running exercise na naka-post sa Danified Facebook page. Karaniwan na ang ganitong sistema sa ibang
bansa. Sa Pilipinas, mayroon sigurong pailan-ilan lang na gumagawa nito. Wala
pa kasi kaming nakita na ganito sa mga farm na amin nang napuntahan. Pero may
nagsasabi na gumagamit ng ganito ang mga kapatid nating Muslim na magmamanok
para ihanda sa laban ang kanilang manok na Parawakan.
Siyempre, layunin ng running exercise ang
pagpapatibay sa paa ng manok. O ‘di-kaya’y para maging malakas at mabilis ang
kanilang pag-atake sa kalaban. Pero ayon sa mga ‘di naniniwala sa ganitong
sistema. Baka naman bumilis lang sa pagtakbo ang manok para iwasan ang kalaban.
Hindi naman siguro. Kung ganito ang nangyayari, wala na sanang sabungero ang
gumagawa nito. Well, kanya-kanya lang ng style ‘yan, walang basagan ng trip ‘ika
nga.
Panoorin ang video:

COMMENTS