Marami sa mga sabungero, bata pa lang ay nag-umpisa nang magmanok. Madalas kasi silang isinasama noon ng kanilang tatay, lolo o tiyo sa...
Marami sa mga sabungero, bata pa
lang ay nag-umpisa nang magmanok. Madalas kasi silang isinasama noon ng
kanilang tatay, lolo o tiyo sa sabungan. Kaya naman marami ang naka-relate sa
video ng isang bata na kumakalat ngayon sa social media.
Sa video na ipinost ng Facebook
user na ang pangalan ay Manok ni Kokong (Ricky O. Forzado), makikita ang isang
bata kung makasigaw ay wagas habang pumupusta sa isang pasabong. Kitang-kita sa mukha
niya ang kagustuhang manalo ng manok na kanyang tinayaan. Medyo may gigil kasi
ito habang nasigaw. Naroon ang excitement ‘ika nga. Makikita rin na may hawak
pa siyang isang daang piso.
Bagama’t may mga natuwa o
nakukyutan sa video ng bata, mayroon ding nagsasabi na ang bata pa nito para tumaya-taya sa sabong. Kaya’t dapat diumanong gabayan ng mga magulang ang batang ito.
Panoorin ang video:

COMMENTS