Ayan na nga kasabong, nagsalita na rin ang mga backyard breeders. Umaapila sila mga feeds company na tulungan sila sa kinakaharap na kri...
Ayan na nga kasabong, nagsalita na rin ang mga backyard breeders. Umaapila sila mga feeds company na tulungan sila sa kinakaharap na krisis. Ni isa sa kanila kasi ay wala pang nagpaparamdam. Nagbaba na raw ang krudo pero ang benta sa feeds ay ganun pa rin gayung minsan lang naman ang pagtama ng Covid.
Ganito ang hinaing ng Facebook user na si Erwin M. Mendoza. Aniya, mas marami ang bilang ng mga backyard breeder kung ikukumpara sa big time breeder na tumatangkilik sa mga kumpanya ng manok-pansabong. Kung kaya't sa panahon ng krisis ay dapat lamang silang tulungan.
Bukod sa kanyang panawagan, ay hinahamon pa niya ang mga backyard breeders na magkatay ng kanilang manok bilang pagpapakita na hirap na talaga na sila. Maraming namang nag-comment sa kanyang post at nagpakita ng kaniya-kanyang ng kanilang kinatay na manok. Sabi nga ni Mr. Mendoza sa mga feeds company, kapag walang manok ay wala rin silang kita.
Ano'ng masasabi nyo rito mga kasabong?


COMMENTS