Sadyang maraming mga sabungero ang di na makatiis na magsabong kahit mayroon pang lockdown. Handa silang makipaghabulan sa mga otoridad t...
Sadyang maraming mga sabungero ang di na makatiis na magsabong kahit mayroon pang lockdown. Handa silang makipaghabulan sa mga otoridad tuwing sinasalakay sila. Ang iba, minamalas kapag nahuhuli. Magmumulta sila ng tatlumpung libong piso.
Sa kagustuhang makatakas ang iba, naiiwan ang tsinelas, mga manok at iba pa. Pero hindi lang ang mga yan ang naiiwan kundi pati na rin sasakyan. Marahil sa sobrang pagkataranta. Labu-labo na kasi kapag nagkatakbuhan kayat di na nila magawang sumakay pa. Mas madaling tumakbo sa ganitong situwasyon.
Sa post ng isang Fb user na si Hugen DarkEagle Eye, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga sasakyan ng mga sanungero na nagtakbuhan sa isang tupada. Hindi nabanggit sa post, kung saang lugar ito nangyari. May nakaiwan ng Strada pick up, Bonggo at 100 motors.
Sa kabilang banda, sinabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na kapag nagpatuloy pa ang pagpapasaway ng marami sa Enhance Community Quarantine ay posibleng ipag-utos niya ang total lockdown.




COMMENTS