Sinalakay ng mga otoridad ang magkakahiwalay na mga iligal na sabong noong Biyernes Santo sa lalawigan ng Cavite. An...
Sinalakay ng mga otoridad ang magkakahiwalay na mga iligal na sabong noong Biyernes Santo sa lalawigan ng Cavite.
Anim ang nahuli sa Trece Martiris, anim din sa Maragondon, sampu sa Tagaytay at apat naman sa Alfonso. Kinumpiska ng mga otoridad ang kanilang pamusta kasama na ang mga manok-panabong.
Sinabi ni Gov. Jonvic Remulla na talaga ngayon pa siya sinubukan ng mga suspek sa panahon ng Covid. Istrikto niya diumanong ipinapatupad ang batas.
Sa kulungan muna sila hanngga't wala pang hukom sa opisina. Kung susuwertehin ay sa Mayo pa raw sila maaring makapagpiyansa.
Sinabi rin niya na hindi patatawarin ang mga nahuling sangkot tupada.
Binalaan niya ang mga ito na huwag na silang lumapit kung kani-kabino para maareglo ang kanilang kaso. Sa kulungan muna raw sila kasama ng mga karaniwang bilanggo.



COMMENTS