Marahil ay kilala n'yo na si Erwin T. Ciar, isa sa mga nagpapakuwela sa social media ngayon. Siya ang gumagaya kina Fernando Poe J...
Marahil ay kilala n'yo na si Erwin T. Ciar, isa sa mga nagpapakuwela sa social media ngayon. Siya ang gumagaya kina Fernando Poe Jr. at ngayon naman ay kay Romy Diaz.
Talaga namang nakakatawa ang panggagaya niya kay Romy Diaz dahil kuhang-kuha niya ang hitsura nito pati na rin ang boses. Kahit sabihin pang kamukha rin siya ni Don Pepot sa ibang anggulo. Nabuhay tuloy ang kontrabidang karakter na minahal ng maraming Pinoy.
Ngayon ay may skit si Erwin na patungkol sa manok at covid. Sa video na ito ay makikitang pinapakain niya ang kanyang mga manok. Pulang-pula na ang kanyang hasang at tinatawag na ang kanyang mga bata.
Panoorin ang video:

COMMENTS