Larawan mula sa TV Patrol Maigting pa rin ang ginagawang pagsalakay ng mga otoridad kontra iligal na sabong o tupada. Marami kasing pas...
![]() |
| Larawan mula sa TV Patrol |
Maigting pa rin ang ginagawang pagsalakay ng mga otoridad kontra iligal na sabong o tupada. Marami kasing pasaway na sabungero bagama't bawal ang sabong dahil sa ECQ, patuloy pa rin nila itong ginagawa.
Sa Tanza, Cavite, sinalakay ng mga otoridad ang mga lalaki na nagtutupada. Mabilis na nagpulasan ang mga ito nang makitang papalapit na ang mga pulis. Dalawa lang ang kanilang naabutan.
Ang dalawang nadakip ay mag-ama. Kapwa nila itinanggi na hindi sila kasali sa tupada. Sinabi ng ama ng hindi naman sila sabungero at malapit lang ang bahay nila at mga dayo ang nagsasabong. Habang ang anak naman ay sinabing naglalaba lang daw sila ng kanyang misis. Nadamay lang daw sila. Pero di ito kinagat ng kapulisan.
Nakumpiska ang labinlimang manok na karamihan ay patay na at mga naiwang motor ng mga nagtakbuhang sabungero. May nakitang mga pangalan na ang nakalagay ay konsehal sa mga nakuhang kahon ng manok. Inaaalam pa ng mga pulis kung ito ay konsehal o kagawad sa barangay at kung sila ba ba ay sangkot sa tupada.
Panoorin ang video:

COMMENTS