May mga breeder o sabungero na nasubukan nang paghaluin ang native na manok o labuyo sa Texas. Naging maganda naman ang resulta ng kanila...
May mga breeder o sabungero na nasubukan nang paghaluin ang native na manok o labuyo sa Texas. Naging maganda naman ang resulta ng kanilang pagpapalahi.
Ayon sa kanila, tumapang at gumanda ang naging mga supling ng Texas at labuyo. Palibhasa ay may dugo na ring Texas o namana na nila ang katangian mula sa kanilang ama. Kapag dinala nila sa sabungan ay nananalo pa nga raw. Kaya't para sa kanila ay walang problema kung paghaluin man ang native at Texas.
Pero mayroon din naman nagsasabi na hindi magandang paghaluin ito tulad ng mga kilalang breeder sa bansa. Bakit daw kailangan mo pa silang paghaluin gayung maaari namang paghaluin ang Texas sa Texas. Kaya ka nga nakikipag-kumpetisyon dahil alam mong magaling ang manok. Kaya para sa kanila 'di advisable paghaluin ang native at Texas.
Panoorin ang video:

COMMENTS