Dismayado si Ricoy Palmares, Jr., Presidente ng FIGBA (Federation of International Gamefowl Breeders at taga-pag-organisa ng BAKBAKAN Nat...
Dismayado si Ricoy Palmares, Jr., Presidente ng FIGBA (Federation of International Gamefowl Breeders at taga-pag-organisa ng BAKBAKAN National 11-Stag Derby sa mga balitang lumalabas na may mga nahtutupada pa rin kahit mayroon nang Enhance Community Quarantine.
Nakakaladkad kasi ang mga lehitimong organisasyon ng mga sabungero dahil sa kagagawan ng mga 'di makapagpigil sa kati ng sabong.
Dahil dito, naglabas si Palmares ng liham na nagpapaalala sa mga pinuno ng mga organisyon na nasa ilalim nila na pagsabihan ang mga miembro na sundin nila ang batas. Paalalahanan din ang mga miembro na makiisa sa ginagawang hakbang ng gobyerno sa paglaban sa Covid 19.
Hinikayat niya ang sinuman na isumbong o iulat sa kanila kung may nalalaman silang nagsasagawa ng tupada ngayong panahon ng lockdown. Kapag nakumpirma nila ay may naghihintay na pabuya sa nagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga ito.


COMMENTS