Pinag-uusapan sa isang grupo ng mga sabungero ang isang matandang bulag na nagtatari matapos na i-upload ang kanyang video...
Pinag-uusapan sa isang grupo ng mga sabungero ang
isang matandang bulag na nagtatari matapos na i-upload ang kanyang video na
kuha ni Arjhay Pangilinan. Ayon sa caption, ipagkakatiwala mo na ang manok mo
sa kanya?
May
mga sumagot na oo, ipapagkakatiwala ko ang manok ko sa kanya at mayroon ding
mga nag-aalangan. May mga naghahaka-haka na dating nakakakita ang matanda at
ito ay nabulag na lang dahil sa katandaan.
Mayroon
ding nagsasabi na oo nga’t bulag siya, matalas naman ang kanyang pakiramdam.
May mga nagtatari nga na nakakakita, pero kapag sumipat ay mali-mali naman.
Pero
may nagsabi rin, na maaari niyang ipagkatiwala ang kanyang manok, eh ‘yun ay
kung sa tupadahan siya lalaban. Kung sa bigtime na labanan ay hindi na.
Panoorin ang video:

COMMENTS