Sinasabing napakahiwaga ng sabong. Minsan kasi akala mo mananalo na ang manok mo, pero sa huli ay ta...
Sinasabing
napakahiwaga ng sabong. Minsan kasi akala mo mananalo na ang manok mo, pero sa
huli ay talo pala. O kaya naman baliktarin natin, akala mo talo na manok mo,
pero nanalo pa. May kasabihan nga na huwag munang magbilang ng sisiw hangga’t ‘di
pa napipisa ang itlog. Kung sa sabong naman ay huwag munang matuwa o magdiwang hangga’t
wala pang sentensya. Sa isang iglap lang kasi ay puwede pang magbago ang lahat.
‘Yun bang llamadong-llamado na ang manok mo, pero bigla na lang natalo. Kapag
nagkaganito tiyak na ang laki nang pagkadismaya mo. Kaya’t mas mabuting relaks
lang at huwag munang mag-expect ng panalo. Relax lang ‘ika nga!
Marahil
nakaranas ka na rin nang ganito na akala mo ay wala ng pag-asa dahil
hinang-hina na ang manok mo. Pero manok mo pa ang nakahuling tuka kaya’t nanalo
pa ito. Mayroon nga labas na ang bituka ng manok pero nagawa pa ring manalo.
Himala ba itong masasabi o sadyang matibay lang ang manok? Mayroon kasing manok
na ang dami-daming pinalo, pero parang ‘di naman napupuruhan ang kalaban. Wala
rin kasi sa dami nang pinalo ‘yan. Kahit isa o dalawang palo lang, puwedeng tapos
na agad ang laban.
Ganyan
lang siguro sa sabong, bagama’t meron o wala lang naman ang naglalaban ay
mahirap pa ring masabi kung sino ang mananalo. Kasi kung alam mo na ang
mananalo ay wala nang excitement. Bakit ka pa pupusta eh alam mo namang walang
ibubuga ang manok mo? Pero hindi ganyan ang sabong. Wala na ritong nagdu-dominante.
Hindi kagaya dati na iilang pangalan lang ang nangingibabaw sa sabong. Eh,
ngayon kahit mga neverheard naman dati ay bigla na lang nagiging matunog ang
pangalan.
Kung
manok mo ang lumalaban, ‘di mo rin puwede basta ismolin ang manok ng iyong
katunggali dahil ‘di mo alam kung paano nila ikinudisyon ang kanilang panlaban.
Ang importante lang naman ay may tiwala ka sa manok mo. Wala ka na lang gagawin
kundi ang maghintay nang magiging resulta ng laban. Hindi na kailangan pang
pag-usapan kung mahiwaga o hindi ang sabong. Basta manalo o matalo, i-enjoy
lang ang sabong!
COMMENTS