Kapag nasa ulutan ka, sinasabing dito mo maririnig ang lahat ng kasinungalingan ng mga sabungero da...

Kapag nasa ulutan ka, sinasabing dito mo maririnig ang lahat ng kasinungalingan ng mga sabungero dahil parang sinisiraan nila ang sarili nilangmanok. And’yan ‘yung sasabihin na reject, baldado, mestizo, may sipon at iba pa. Ginagawa nila ito para madali silang makakuha ng makakalaban. Ang iba namang ‘di pa sanay sa ganitong gimik, naniwala agad gayung may itinatago palang galing ang sinabing pangit na manok. Natural na yata ang ganito sa ulutan kaya’t mas maganda na maging mapili sa paghahanap nang makakalaban.
Ipinapayo
ng iba na kapag makikipag-ulot ka huwag diumanong lalaban sa manok na mas
mataas ang manok kaysa sa iyo. Mas mainam kung mas maliit o parehas lang ang
laki ng manok mo sa kalaban. Kung hackfight ang labanan ay huwag maglalaban ng
bata, mas maganda kung magulang ang manok mo. Alam naman natin na mas matigas
ang katawan ng manok kumpara sa bata. Tingnan din kung malaki ba ang kamay nang
humahawak ng manok. Kapag malaki kasi ang kamay nang humahawak ng manok ay
lumiliit ito sa paningin.
Mas
maganda rin na mag-obserba o tumingin-tingin muna. Sipatin ang manok na sa
tingin mo ay magandang makalaban. Kapag may nakursunadahan ay saka iulot ang
manok. Huwag masyadong magmadali na maiulot agad ang manok. Saka kapag ganito,
‘yung manok mo fresh pa samantalang sa iba nalamog na sa kapipisil ng iba.
Meron
din na pinapaulot ang kanilang manok sa kasama nila na mukhang lasing o
gusgusin. Siyempre, mas gusto itong makalaban ng iba, sa pag-aakalang wala ito
sa hulog. ‘Yun pala ay nagkukunwari lang para madaling makahanap ng kalaban.
Kaya’t huwag basta magbabase sa hitsura ng isang tao. Sa manok lang tumingin.
Tingnan
din ang balahibo ng manok kung tuyo ba ito o sariwa. Mas maganda raw kasi na
kung tuyo ang balahibo ng manok na lalabanan mo. Mas mabilis kasing kumilos ang
manok kapag sariwa ang balahibo kumpara sa tuyo. Kapag sabug-sabog o buhaghag
naman ang balahibo ng manok indikasyon ito na laging nakakulong ang manok. Kung
‘di ka naman sigurado na lalabanan ang manok ng iyong kaulatan ay huwag ikahig
nang ikahig ang manok dahil nakauubos ito ng lakas ng ating panlaban.
![]() |
| Photo Credit: Makuri Makuru |
Maging
mapagmatyag din dahil may mga nandaraya sa ulutan. May narinig na tayong mga
kuwento na nmay nagdadala ng dalawang manok na magkapareho ang kulay. Ang mas
maliit ang iuulot, tapos ang tatarian ay ang mas malaking manok na dala nila.
Siyempre, patago nila ito kung tarian. Magtataka ka na lang, bakit parang
lumaki ang kalaban mong manok? Hindi maganda ang ganitong gawain kaya’t kung
sinuman ang gumagawa ng ganito ay makabubuting itigil na dahil ang sabong ay
laro ng mga maginoo at ‘di ng mandaraya. Kapag nabuking malamang na
ma-blacklisted na sa sabungan.
Siyempre,
bago ka makipag-ulutan dapat ay alam mong quality at naikundisyon mo nang husto
ang manok mo. Importante rin na may tiwala ka sa manok. Kung kursunada mo
namang labanan ang kaulot mo bakit, ilarga na ‘yan. ‘Di mo na kailangan pang
gumimik katulad nang ginagawa ng ilan nating mga kasabong.
‘Yan lang mga kasabong, tuloy ang ulutan!
.


COMMENTS