Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa winning bloodline, magkakaiba ang pananaw dito ng mga sabungero. Ang ibang mga breeder ay ‘di naniniw...
Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa winning bloodline, magkakaiba ang pananaw dito ng mga sabungero. Ang ibang mga breeder ay ‘di naniniwala sa ganito. Para kasi sa kanila kung may winning line ay mayroon ding losing line? Maaaring gawa-gawa lang daw ito ng iba para ibida ang kanilang mga manok. Hindi porke’t galing sa isang sikat na breeder ay masasabing magaling na ang manok. Mayroon din daw sa kanila ang nagtitinda ng bulok. Bakit daw natatalo rin ang ipinagmamalaki nilang winning line kung talagang magaling ito?
Ang sabi naman ng mga naniniwala sa winning line, totoo na mayroong ganito. Para sa kanila, kapag sinabing winning line ay ‘di na matatalo. Huwag diumanong gawing literal ang kahulugan nito. Ibig lang sabihin, galing ito sa pamilya ng manok na maganda ang record sa sabungan. Kapag sinabing winning line, mataas ang porsyento nang pagpapanalo nito. Siyempre, ‘di porke’t winning line na ang iyong manok ay ‘di muna ito aalagaan at ikukundisyong mabuti. Winning line tapos samahan pa ng tamang pag-aalaga, siguradong nasa tama kang direksyon. Kung ‘di natatalo ang iyong manok ay sino pa ang gustong lumaban sa iyo?
Mabuti pa ay pakinggan natin ang opinion ng ating kasabong na si Raymond Ocampo ng Emongski Gamefarm hinggil sa usaping ito…
COMMENTS