Ang Boston Roundhead ay isa sa magagandang kumbinasyon ng linyada. Ilan lang sa mga sikat na breeder na nagpapalahi ng ganito ay sina La...
Ang Boston Roundhead ay isa sa magagandang kumbinasyon ng linyada. Ilan lang sa mga sikat na breeder na nagpapalahi ng ganito ay sina Lancey Dela Torre ng Red Foot Gamefarm at ang magkapatid na sina Martin at Marlon Escolin. Bukod sa maganda ang hitsura nang nasabing kumbinasyon ay maganda rin ang laro nito at mautak pa. Kaya naman maraming mga breeder ang nagmi-maintain ng ganitong klase ng linyada.
Isa sa mga nag-aalaga ng Boston Roundhead ay ang kasabong natin na si Rj Palconit ng Maghahalap Gamefarm na nakabase sa Agoncillo, Batangas. Ibabahagi niya sa atin kung anu-ano ang charateristics ng kumbinasyon na ito. Pati na rin kung ano ang kinalabasan ng laro nito sa kanila.

COMMENTS