Sa wakas ay nagkaalaman na rin kung sino ang nangibabaw sa FIGBA BAKABAKAN National 12-Stag D...
Sa wakas ay
nagkaalaman na rin kung sino ang nangibabaw sa FIGBA BAKABAKAN National 12-Stag Derby. Mahigit anim na libong entries
ang naglaban-laban dito. Pero sa huli ay dalawang entries lang ang itinanghal na kampeon na parehong nakakuha
ng score na perpect 12.
Ang
mga entry na nagkampeon ay ang JFS Combine na pagmamay-ari nina Roy Sarrosa at
ang magkapatid na Junjun at Frederick Sy. Sila ay mga kasapi ng Panay Gamefowl
Breeders Association, sa ilalim ng pamumuno ni Ricardo palmares, Jr. na siya
ring presidente ng FIGBA. Samantalang ang isa pang entry na nagkampeon ay ang
JH MAAPAZ ni John Hermosa ng Batangas Breeders Club, sa ilalim ng pamumuno ni Fred
Katigbak.
Bago
nito, sa 1st grand finals (Dec. 14) kung saan ay naglalaban-laban ang mga nakakuha ng 6.5 points , dalawang
entries ang nakakuha ng score na 11.5 points. Ito ay ang OLD MODEL ni Reyond
Dela Cruz at SILVERHAWK Dec. 23 3-Cock Derby SSA ni Adrian Levina. Hindi man
pinalad na nagkampeon ay naging runner up naman sila kasama ang isa pang entry
na PANIQUI APRIL 17 5-COCK II ni Bebot Roxas na lumaban sa 2nd grand
finals (Dec. 16).
Pinaglaban-labanan
ng mga sumali sa BAKBAKAN ang 75 million guaranteed prize kung saan 35 million
pesos ang nakalaan para sa mananalo.
Ang
BAKBAKAN ay inisposoran ng Thunderbird Winning Formula at B-Meg Integra Power
kasama ang Excellence Poultry and Livestock Specialist, LDI, Hagibis, Salto,
Vitarich Titan Panabong, Pit Fighter at Mad Science.

COMMENTS