Sinasabing ang Davao City ay tahanan ng magagaling na mga breeder. Kaya naman buhay na buhay ang ekse...
Sinasabing ang Davao City ay tahanan ng magagaling
na mga breeder. Kaya naman buhay na buhay ang eksena ng sabong sa lugar na ito.
Ilan lang sa kinikilalang breeders dito ay ang Tan Brothers na kinabibilangan nina
Jun, Bobot at Bong. Ang kanilang farm ay tinatawag na PT Paniki Gamefarm.
Minsan na kaming nakapasyal sa kanilang farm. Bale
tatlo ang kanilang farm. Dalawa sa mga ito ang aming napuntahan. Ang isa ay sa
kanilang conditioning area na tinatawag nilang Ladao area at ang isa pa ay sa
cording area na tinatawag naman nilang Victoriano area. Walking distance lang
ang dalawa nilang farm kaya’t madaling puntahan. Habang ang kanila namang range
area na nakapuwesto sa Baracatan na medyo nasa mataas ng lugar. Ang kanilang mga bloodline ay binubuo ng
Hatches, Blue Band, Gold, Sweater, Roundhead at iba pa.
Tara at silipin natin ang manukan ng Tan Brothers!

COMMENTS