Photo from Nene Abello Gamefarm FB fan page Si Nene Abello ay isa sa mga pinakas...
![]() |
Photo from Nene Abello Gamefarm FB fan page
|
Si
Nene Abello ay isa sa mga pinakasikat na gamefowl breeders sa Pilipinas. Mula
noon hanggang ngayon ay palagi pa rin nating naririnig ang kanyang pangalan.
Para na nga itong naging household name sa marami sa atin. Kilala siya sa husay
niya sa pagdebelop ng Sweater bloodlines. Ang manok na ito ay hango sa pangalan
ng American breeder na si Sweeter McGuiness. Si Mr. Sweater ay kapanahunan nina
Harold Brown, Duke Hulsey at Ray Hoskins.
Base na rin sa nakasulat sa site ni Nene, nakuha niya ang kanyang mga
bloodliness mula kina Harold Brown at Carol NeSmith noong mga huling taon ng
dekado 80.Noong mga panahong ‘yun ay naging mag-partner ang dalawang alamat ng
sabong at nangunguna ang mga ito sa malalaking pasabong sa US. Nang matapos ang
tambalan ng dalawa ay saka pa lang nakakuha si Nene ng mga manok na
Sweater.Naisip niya kasing kaya nitong makipag-compete at nababagay itong
alagaan sa Pilipinas at hindi nga siya nagkamali sa paniniwala niyang ito.
Dahil ang Sweaters ang nagbigay sa kanya ng karangalan sa larangan ng sabong.
Hanggang sa tinagurian siyang Sweater Man of the Philippines.
Ang Sweaters ni Nene ay nanggaling kay Carol Nesmith habang ang Green
Leeged side ay nakuha naman niya kay Harold Brown. Bukod dito, naging kaibigan
din ni Nene si Ray Alexander na mayroon Roundhead chickens. Inahalo niya ang
Roundhead sa Sweater at naging maganda ang resulta. Pagkatapos nito ay naisip
niyang kailangan niya uling makagawa ng panibagong signature line dahil habang
lumilipas ang mga araw, ang kumpetisyon sa sabong ay patindi nang patindi.
Kailangan niyang maka-survive para mapanatili ang kanyang reputasyon bilang
isang breeder. Hindi katulad ng iba na matapos makilala ay bigla na lang
nawawala sa eksena.
Bukod sa Sweaters ay nag-bred din si Nene ng Hatches na galing kay
Harold Brown. Noong nakatira pa ang kanyang kapatid at anak sa Dallas, Forth
Worth area ay lagi niyang binibisita si Ray Hoskins. Nakakuha siya ng
Yellow-Legged bloodlines at ininfused niya ito sa iba pa niyang linyada. Dahil
dito ay nagpapanalo siya sa major derbies kabilang na rito ang World Slasher
Cup noong 1995 at naging runner up din siya rito noong 1998. Naging kampeon din
siya Candelaria International derby noong 2002 at 2003. Bukod sa mga ito ay
marami pa siyang nakamit na mga kampeonato.
Dahil si Nene ay maituturing na prominenteng breeder ay maraming
bumibili ng manok sa kanya. Hindi lamang mga taga-Pilipinas kundi pati na rin
ang taga-ibang parte ng mundo gaya sa Malaysia, Mexico atbp.

COMMENTS