Si Tol Mariano ay isa sa mga kilalang breeder sa ating bansa, nakababatang kapatid niya si Lino Mariano. Gumawa na siya ng record sa m...
Si Tol Mariano ay isa
sa mga kilalang breeder sa ating bansa,
nakababatang kapatid niya si Lino Mariano. Gumawa na siya ng record sa
mga sabungan sa Mindanao at maging sa Metro Manila. Nakilala siya sa manok na
kung tawagin ay Tupi Black at Matutum Blues. Naging signature line niya ang mga
ganitong manok dahil gusto niyang maiba sa karamihang mga breeder na karaniwang
pula ang minamanok nila at ang off-colored chicken ay ginagawa lang pangulay sa
kanilang farm.
Minsan na namin si Tol
Mariano sa kanyang bahay. Sayang nga lang at ‘di naming napasyalan ang mismong
kanyang farm dahil kinulang na sa oras. Ang napuntahan lang namin ay ang
manukan ng kanyang kapatid na si Lino. Pero kahit sa mismong bakuran ay nag-aalaga
rin siya ng mga manok. Mas maganda nga ito, dahil malapit sa kanya ang mga
manok na nagsisilbing stress reliever. Isa pa, madali nang humatak ng manok na
kanyang ilalaban.
Halina’t silipin natin
ang manukan ni Tol sa loob ng kanyang bakuran…

COMMENTS