Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang magmamanok na si Felix Amistoso matapos na kumpiskahin ng mga taga-barangay ang kanyan...
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang magmamanok na si Felix Amistoso matapos na kumpiskahin ng mga taga-barangay ang kanyang tatlong manok-panabong.
Ayon kay Amistoso,
nakatali sa loob ng bakuran ang kanyang mga manok, pero kinumpiska pa rin ito sa
pangunguna ni Julius Dela Cruz, Executive Officer ng Brgy. Commonwealth, Quezon
City.
Pinagpaliwanag ni Tulfo
si Dela Cruz sa kanyang programa kung bakit nila kinumpiska ang mga
manok-panabong ni Amistoso. Sinabi ni Dela Cruz na ang kanilang ginawa ay
nakabatay sa city ordinance kung saan ay dapat hulihin ang mga paga-galang
hayop sa loob ng kalsada.
Kinuwestiyon ni Tulfo
ang sagot ni Dela Cruz dahil ‘di naman pagala-gala ang mga manok ni Amistoso sa
kalsada. Sinagot naman ng brgy. official na nagkakalat ng dumi ang mga manok sa
kalsada kaya nila ito kinumpiska.
Tinawagan ng programa
si Perla Crisistomo ng Environent Protection and Waste Management Division para
tanungin kung tama ba ang argumento ni Dela Cruz. Pero wala raw silang ganong
kautusan dahil ang nagkalat na basura lang ang kanilang saklaw.
Nagkainitan pa sa ere
sina Tulfo at Dela Cruz nang tanungin kung nasaan na ang mga manok ni Amistoso.
Sinabi kasi na kinakatay nila kapag nakahuhuli sila ng manok. Sinabi pa ni Dela
Cruz na may video pa sila nito habang kinakatay ang manok. Pero nang tanungin
ni Tulfo kung may video ba sila nang ilibing ang mga manok ay ‘di raw nila ito nakunan ng video. Pero nilinaw
din ni Dela na nasa kanila pa ang kinumpiskang mga manok.
Sa huli, nagtungo si
Amistoso at ang mga staff ni Tulfo para bawiin ang mga manok. Nagpa-escort pa
sila sa mga pulis dahil maangas daw magsasalita si Dela Cruz. Napag-alaman ng
programa na ang sinasabing Quezon City ordinance ay tumutukoy na tanging mga
pagala-galang hayop lang sa kalsada ang dapat kumpiskahin. At ang mga kawani ng
city pound lamang ang binigyan ng kapangyarihan na ipatupad ito.
Nabawi naman ni
Amistoso ang kanyang mga manok-panabong.
Panoorin ang video:

COMMENTS