Sinasabing napakahiwa talaga ng sabong lalo na pagdating sa labanan. Kaya 'di dapat masyadong magpakumpiyansya. Mayroon kasing ...
Sinasabing napakahiwa talaga ng sabong lalo na pagdating sa labanan. Kaya 'di dapat masyadong magpakumpiyansya. Mayroon kasing manok na akala mo talo na ay nananalo pa. Meron nga d'yan kahit labas na ang bituka ay nagagawa pa ring manalo. Ito ba ang tinatawag na suwerte o sadyang magaling lang talaga ang manok?
Katulad na lamang nang nag-viral na video sa isang sabungan sa may Batangas na ipinaskil ng FB page na Sta. Rita Sportsville Center. Naglaban ang bulik at talisayin. Makikita na napalo ang talisayin at bumagsak na ito. Pero maya-maya lang ay nagawa pang makaganti ng talisayin kahit nanghihina na ito. Sa huli ay nanalo pa rin siya.
Ayon sa mga sabungero na nakapanood sa naturang video, 'di nabigyan ng bulik ng finishing touches at nilaru-laro pa nito ang kalaban kung kaya't nakabuwelo pa ito. Sabi naman ng iba, ganun talaga ang winning line na manok, laging may tsansa na manalo.
Ikaw kasabong, ano'ng palagay mo sa ganitong pangyayari?
Panoorin ang video:

COMMENTS