Sa panahon ngayon, normal na ang makakita ng babae na nagsasabong. Hindi katulad dati na bibihira ka lang makakita ng mga kagaya nil...
Sa panahon ngayon, normal na ang makakita ng babae na nagsasabong. Hindi katulad dati na bibihira ka lang makakita ng mga kagaya nila. Naturingan kasi ang sabong na mundo ng mga kalalakihan o mundo ng mga macho 'ika nga. Salamat na lang sa mga kagaya nina Osang Dela Cruz at Robie Yu Panis dahil itinaas nila ang bandera ng kababaihan pagdating sa sabong.
May mga babae na ginawa na ring propesyon ang may kinalaman sa sabong. Katulad na lang ni Regine Gonzales ng Batangas na isang mananari. Minsan na siyang nagkaroon ng viral video kung saan ay makikita siya na nagtatari. Maraming mga sabungero ang bumilib sa kanya dahil sa husay niyang magtari. Patunay lang ito na kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya rin namang gawin ng babae. Lalo na't ang pagtatari ay maaaring matutunan. Kailangan nga lang nang ibayong pag-iingat dahil delikado ito. Mahirap na ang masugatan ng blade.
Panoorin ang video:

COMMENTS