Kung ang iba ay mahilig mag-cross ng iba't ibang linyada, ibahin natin si Mark Celzo ng Celzo...

Kung ang iba ay mahilig mag-cross ng iba't ibang linyada, ibahin natin si Mark Celzo ng Celzo Brothers Gamefarm dahil mas gusto nilang magkakapatid ay ang pure breeding o paghahalo ng iisang dugo lamang ng mga manok. Halimbawa, kung Roundhead ay iku-cross nila ito sa Roundhead din. Kahit ano'ng klase pa ng Roundhead 'yan.
Noong una, kagaya rin sila ng iba na naghahalo ng iba't ibang linyada. Pero nang minsang subukan nilang na mag-pure breeding ay naging maganda naman ang resulta kaya't ito simula noon ay ito na ang kanilang kanilang naging sistema sa pagbi-breed.
Ang farm nina Celzo ay matatagpuan sa paanan ng Mount Balungao sa may Brgy. Pagarao, Pangasinan. Ang kanilang mga bloodline ay binubuo ng Sweater, Kelso at Grey at iba pa.
Panoorin ang aming naging panayam kay Mark Celzo sa World Gamefowl Expo...
COMMENTS