Hindi maikakaila na marami nang mga babae ang nagmamanok ngayon o involved sa sabong. Bakit naman hindi? Eh, napakaganda niton...
Hindi maikakaila na marami nang mga babae ang nagmamanok ngayon o involved sa sabong. Bakit naman hindi? Eh, napakaganda nitong dibersiyon at naging hanapbuhay pa ng marami. Kaya't 'di na nakapagtataka kung bakit pinapasok na rin ang sabong ng kababaihan. Siyempre, welcome naman ang lahat sa may gusto itong pasukin. Mapa-lalaki man o babae.
Siguro ay may mga nagtataka kung bakit may may mga babae na farm worker ang Firebird Gamefarm na pagmamay-ari ni Biboy Enriquez. Unang-una nga r'yan ang tinaguriang 'Prinsesa ng Tari' na si Robie Yu Panis. Kaya't naisipan namin na tanungin si Biboy kung bakit may mga babae na nagtatrabaho sa kanyang farm. Hindi lamang bilang sekretarya kundi marurunong ding humipo ng manok at marunong ding magbitaw. May advantage nga ba kapag babae ang trabahador mo sa farm kumpara sa lalaki?
Panoorin ang video:

COMMENTS