Isa sa mga tinitingilang gamefowl breeder sa Bacolod ay ang magkapatid na Melque at Chito Benedicto ng Bacolod Black Gold Farm...
Isa sa mga tinitingilang gamefowl breeder sa Bacolod ay ang magkapatid na Melque at Chito Benedicto ng Bacolod Black Gold Farm o kilala rin sa tawag na Valentina Killer Greys . Minsan na silang itinanghal na kampeon sa International Candelaria Derby noong 2012. Nang taon ding ‘yun ay nagwagi sila sa NGBA 8-StagDerby at Pasasalamat Derby sa may La Carlota, Negros Occidental.
Ang kanilang farm ay
matatagpuan sa Bago City, Bacolod. Malapit lang ito sa farm ng yumao nang si
Mayor Juancho Aguirre at Boy Jimenez. Napakaganda ng kanilang farm dahil bukod
sa napakalawak ay napakaganda ng tanawin. Mayroon pa kasing falls dito. Alam n’yo
ba na itinuturing ng DENR na sanctuary ang kanilang lugar? Marami kasing endangered
species sa kanilang farm.
Ang Benedicto Brothers
ay mahilig sa old lines kumpara sa mga bagong dating na mga linyada. Mas subok
na raw kasi ito kaysa bago. Ang kanilang bloodlines ay binubuo ng Greys, Lemon,
Gold at iba pa. Siyempre, mayroon din naman silang mga bagong bloodlines gaya
ng Albany, Sweater at Roundhead. Ginagawa nila itong pang-testing sa mga dati
nilang bloodlines.
Tara at silipin natin
ang farm ng Benedicto Brothers!

COMMENTS