Talaga namang sikat na sikat ngayon ang Peruvian. Samantalang dati-rati ay walang pumapansin sa manok na ito dahil sa hindi maganda...
Talaga namang sikat na sikat ngayon ang Peruvian. Samantalang dati-rati ay walang pumapansin sa manok na ito dahil sa hindi maganda ang hitsura nito. Karamihan kasi sa mga sabungero ay 'yung guwapong manok ang gusto. Pero kinalaunan ay bigla na lang pumutok ang Peruvian. Ayon kasi sa mga may gusto sa manok na ito ay malalakas silang pumalo at matibay din sa basaan. Nagkaroon na nga rin ng Peruvian sa Pilipinas. 'Yun nga lang ay may kamahalan ang presyo ng Peruvian. Masakit sa bulsa, 'ika nga.
Kung tatanungin, mahirap ba o madaling alagaan ang Peruvian? Ito ang sasagutin ni Raymond Ocampo na isang Peruvian breeder. Siya ay dating nagtrabaho bilang farm manager sa Bali, Indonesia. Ang Peruvian ay sikat sa mabenta sa naturang bansa kaya't nagbabagsak siya rito ng kanyang mga pinalahing Peruvian. Pero bukod sa Peruvian ay mayroon din siyang mga Western fowl kaya't alam niya ang kaibahan ng dalawang klase ng manok.
Panoorin ang video:

COMMENTS