Kapag pinag-uusapan ang bloodline ng manok, iba-iba ang mini-maintain ng mga breeder. Mayroong mahilig mag-breed sa Sweater, mayro...
Kapag pinag-uusapan ang bloodline ng manok, iba-iba ang mini-maintain ng mga breeder. Mayroong mahilig mag-breed sa Sweater, mayroon din naman ang gusto ay Kelso, Roundhead, Hatch at kung anu-ano pang bloodline. Mayroon silang nakitang magandang katangian sa isang bloodline. Ito na rin ang dahilan kung bakit ginawa nila itong signature line sa kanilang manukan. Mayroon din namang ang gusto ay maiba, ang gusto nila ay 'yung manok 'di ganun karami ang nagmamantine gaya ng Gull, Blues, Tuffy, Muff at iba pa. Gusto kasi nilang maiba.
Kung tutuusin lahat naman ng manok ay magagaling. Hindi naman siguro ito gagawing fundation line kung hindi magaling. Nasa pag-aalaga na rin ito ng breeder. Maaari kasing ang magaling sa iyo at 'di magaling para sa iba. Kanya-kanya lang ng trip 'yan, 'ika nga.
Kung pag-uusapan, ano ba ang best bloodline, 'yung bago ba o luma? Ito ang katanungan ng isang sabungero sa mga speaker ng LDI endorsers sa isang gamefowl expo. Halina't pakinggan natin ang naging takbo ng talakayan.
Panoorin ang video:

COMMENTS